February 26, 2009

Ang Una kong Panulat sa Multiply gamit ang Tagalog.


Ito ang unang pagkakataon na sumulat ako sa Multiply gamit ang wikang Tagalog.

Sanay kasi akong magsulat sa Ingles. Datiing guro sa Ingles ang aking ina, at mula pa nung bata ko't naglalaro ng baril na yari sa dahon ng niyog ay minulat na niya ako sa pandaigdigang wikang ito. At ngayon na binata na ako't naglalaro ng baril na yari sa pixels (Tawag ng Tungkulin. Medalyon ng Karangalan. Tagabilang-Welga. Pili ka na lang.) ay walang halong paghahambog kong masasabi na magaling ako magsulat sa Ingles. Kung tutuusin ay mas komportable pa akong magsulat sa Ingles kesa sa Tagalog. Pero hindi ibig sabihin nito ay minamaliit ko na ang aking sariling wika. Ipinagmamalaki ko na ako'y Pilipino at anak-Bikolano, kahit na katayin man ng sariling kong mga kababayan ang katagang "uragon" at "magayon" (Takdain mo mukha mo Dyosa ).

Pero kahit Pilipino ako, mas gusto ko pa rin magsulat sa Ingles. Yun na ang kinasanayan ko. Kaya medyo naninibago rin ako sa sarili ko na nagsusulat ngayon ako sa Tagalog. Iniisip ko marahil ay pagod lang akong magsulat pa sa Ingles. Trabaho ko ang magsulat para sa mga banyagang kliyente limang araw kada linggo, at dahil sa dami ng sinusulat ko araw-araw ay nangangalay na ang utak kong magsulat pa ng mga bagay-bagay na hindi naman kasabay sa trabaho. Burn-out ika nga. Pero nakakapagtaka nga lang na meron pang puwedeng sunugin sa utak ko.

Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit wala ako sa kondisyon magsulat ng Ingles ay dahil naaksidente ako kaninang umaga. Sumabit ang manggas ng aking salawal sa bisikleta at nawalan ako ng balanse. Pangalawang beses na yun na humadusay ako sa kalsada habang nagbi-bisikleta ngayong linggo (Yung una ay dahil nasobrahan yung pagliko). Nasugatan ako sa kanang tuhod, natipak ang kuko sa isang daliri ng aking binti, at sa lakas ng pagbagsak ko ay bumaon ang ilang malilit na bato sa paa ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos (at konting pamuri sa Nestle Low Fat Milk) at hindi nabali ang aking tuhod, pero isa yun na karanasan na ayaw kong ulitin.

Idagdag mo pa siguro dito ang dahilan na isang linggo ko nang hindi nakikita yung nililigawan ko. Mahirap man aminin pero mahal ko na siya at miss ko na yung tao. Eto na ata yung sinasabi nilang lovesickness. Lovesick. Burn-out. May pang-tawas kaya si Manay Bebang dito?


Pero, kahit siguro ganito ka-epal ang kinalabasan, at least nakapagsulat ako sa Multiply ng Tagalog. Nakakagaan-loob pala sa pakiramdam, parang Downy sa kaluluwa.

Oh balon. ^ ^

January 16, 2009

Angels and Ninjas

It was already past eleven when I got her message. I reached across the bed for my mobile phone, and tried to stave off the impending drowsiness that came with the closing of the day.

She apologized for breaking her promise of sleeping early. Her timber design had some kinks and it, and she has to redo all of the computations from scratch. I asked her if it was that important enough for her to stay awake all night. She didn't answer my question, instead she asked me to sleep early for my trip to Naga City in the morning. I refused.

It has been like this ever since I've met her last October; a whirlwind of words and emotions exchanged in the realm of reality and fiber optics. And my life has changed drastically as well; a few months ago my only concern was how am I ever going to find time to watch John Stewart and the Colbert Report. Now I find myself forcibly awake in the middle of the night, trying to persuade a girl as stubborn as I am to hit the sack.

And at these times that I ask myself why I am doing this. After all, we are just friends. Yes, we date on a regular basis and there is affection between us, but we are still just friends. Though I would be a hypocrite if I said I wanted it to stay that way.

But right now I am happy, in a silly but heartwarming kind of way. I feel as though I have been a prisoner of war, seeing the barbed-wire gates open into the vast expanse of the desert of non-existence. And as I march into the freedom of the endless void, I hear a faint song in the air; of a memory of what once was.

She asks me to go to sleep for the umpteenth time now, and although every cell in my brain is urging me to do so I don't feel compelled to sleep. How will this end I don't know; it's still happening right now as of writing.

But whatever happens, I know it will end someday. When it will be, I don't know. I'm just walking.